Mayor Moreno, inilunsad ang 34 MNLKonek kiosks sa bahagi ng España sa Maynila

Inilunsad ng Manila City government at Eastern Communications ang 34 MNLKonek Digital Kiosks sa bahagi ng University Belt araw ng Lunes, August 3.

Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang paglulunsad ng digital kiosks sa parte ng España Boulevard.

Kasama ng alkalde sa paglulunsad si Edsel Paglinawan, product and innovation head ng Eastern Communications.

Ang MNLKonek digital kiosk ay may alok na 200 mbps ng internet speed.

Aabot sa 100 user ang maaaring mag-connect nang magkakasabay.

Makakatulong din ang digital kiosk sa publiko para makatawag, makapag-charge ng cell phone, tumawag sa emergency hotlines, at makapag-browse sa internet nang libre.

Mayroon din itong built-in tablet kung saan maaaring gamitin para makapag-browse ng mga direksyon, mapa, impormasyon at iba pa.

Read more...