Pag chop- chop ng isang Taiwanese national sa katawan ng kanyang misis sa Makati City, ikinagulat ng TECO

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Ikinagulat ng Taipei Economic and Cultural Office o TECO ang marahas na pagpaslang ng isang Taiwanese national sa kanyang asawa sa Makati City noong nakaraang Martes.

Natagpuan ang putol-putol na katawan ni Mrs. Rowena Kuo sa kanilang bahay sa Barangay Pio Del Pilar sa lungsod ng Makati.

Ayon sa inilabas na pahayag ng TECO, nalulungkot sila sa karumal dumal na pagpatay kay Kuo ng kanyang asawang Taiwanese national sa kanilang tahanan.

Nabatid na pinatay ng suspek na si Kuo Yuan-Chang o mas kilala bilang Tony Kuo ang kanyang asawa dahil sa hinalang may kalaguyo ito.

Nadiskubre ang pagpaslang noong Martes ng gabi matapos makita sa iba’t ibang bahagi ng bahay ni Tony ang putol-putol na parte ng katawan ni Rowena.

Dahil dito, kinasuhan na si Tony ng parracide.

Ipinahatid naman ng TECO ang kanilang pakikidalamhati at simpatiya sa mga naiwang pamilya ni Rowena.

Inaasahan ng TECO na iiral ang “fair trial” o makatarungang paglilitis sa naturang kaso.

Read more...