Zika virus na naipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, natuklasan sa France

Zika Virus1Natuklasan ang kauna-unahang kaso ng Zika virus na naipasa sa isang babae sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa bansang France.

Ayon sa isang senior health official sa France, galing ng Brazil kung saan nagsimula ang Zika outbreak ang partner ng naturang babae na nahawaan ng Zika.

Una nang sinabi ng US officials na iniimbestigahan nila ang labing apat na umano ay kaso ng mosquito-borne disease na posibleng naipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik kabilang na ang ilang buntis.

Sinabi ng head ng Institute for Public Health Surveillance ng France na si Francois Bourdillon na ito na “first confirmed indigenous case of transmission” ng Zika virus sa kanilang bansa.

Ang naturang babae aniya ay hindi pa bumibiyahe sa ibang bansa ngunit napag-alaman na ang kanyang partner ay galing ng Brazil kung kaya isinailalim siya sa testing.

Matatandaang nagdeklara ang Brazil ng isang public health emergency dahil sa Zika virus na iniuugnay sa ilang libong kaso ng microcephaly na isang birth defect kung saan ipinapanganak ang isang sanggol na may maliit na ulo.

Read more...