P68,000 halaga ng shabu nasabat sa Dumaguete City, Negros Oriental

Arestado ang isang drug suspect sa isinagawang operasyon sa Dumaguete City, Negros Oriental Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), sa bisa ng search warrant, ikinasa ang operasyon sa bahagi ng Purok Madasigon, Barangay Cantil-e bandang 7:53 ng umaga.

Nakilala ang naarestong drug suspect na si Filex Bato, 37-anyos.

Nakuha kay Bato ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Maliban dito, nakumpiska rin ang isang .22-caliber revolver, apat na bala at isang sling bag.

Masasampahan ang drug suspect ng kasong paglabag sa Sections 11, Article 2 ng Republic Act 9165 at Republic Act 10591.

Read more...