Kasunod ito ng muling pagpapatupad modifiend enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan mula August 4 hanggang 18.
Layon ng hakbang na bigyan ng tulong ang mga kumpanya ng bus na nakiisa para mahatid ang health care workers sa iba’t ibang ospital sa gitna ng COVID-19 crisis.
Magbibigay ang Cleanfuel ng 40 litro ng langis para sa 20 sasakyan kada araw hanggang August 18.
Tiniyak naman ng Petron na tuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng 50 litro ng langis sa 60 sasakyan kada araw hanggang July 31.
Ayon naman kay DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr., malaking tulong ang fuel donations ng dalawang oil company.
Nagsimula ang Free Ride Service for Health Workers program ng DOTr noong March 18.
Umabot na sa 1,426,885 ang total ridership nito sa buong bansa hanggang August 2.