Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 3), pumalo na sa 1,803,695 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 579,357 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 40,574 ang mga gumaling.
Dahil dito, 1,186,203 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 38,135 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES