Ayon kay Carlos Sol Jr., chair ng Government’s Ceasefire Committee, ang pagtabi ng MILF ay hindi kalituhan at malagay sa alanganin ang usapang pangkapayapaan.
Umaabot sa anim na libo ang miyembro ng armadong grupong MILF at ang kanilang pamilya ang naninirahan sa tinatawag na SPMS box.
Nagsimulang umatras ang MILF nung nakaraang Sabado matapos na pumasok sa lugar ang militar, at sa ngayon umaabot na sa 55 terorista ang napapatay ng militar kabilang na ang kanilang mga supporters sa pitong araw na opensiba ng pwersa ng gobyerno.
Ayon naman kay Abdullah Macapaar, MILF commander na mas kilala sa Bravo, ang grupong nakakasagupa ng mga militar sa Lanao del Sur ay kinabibilangan ng local na na-recruit sa Islamic State of Syria and Iraq (ISIS).