Sen. Bongbong Marcos, dapat isauli ang umano’y nakaw na yaman

PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Ipinasasaulo ni Vice Presidential candidate Sen. Alan Peter Cayetano sa katunggali nito sa pagkabise-presidente na si Sen. Bongbong Marcos ang mga kayamanan na ninakaw umano ng kanyang pamilya.

Ayon kay Cayetano, hindi dapat isisi sa anak ang kasalanan ng ama, at hindi rin umano dapat humingi ng paumanhin si Marcos sa pagpapatupad ng kamay na bakal na pamahalaan ng kanyang ama na nagdulot ng pakamatay at pagkawala ng libu-libong Pilipino.

Pero kailangan umano nito na ibalik ang bilyon dolyar na halaga ng mga ill-gotten wealth na ninakaw umano ng Pamilya Marcos.

Sinabi pa ni Cayetano na ipinapakita umano sa operation big bird na gumawa ng hakbang si Sen. Marcos para matiyak na hindi mahahawakan ng gobyerno ang $213 million (P10.16 billion) ill-gotten wealth na umano’y itinago ng Marcos family sa Swiss Bank.

Ang operation big bird na pinamunuan ni Military General Jose Almonte at banker na si Michael De Guzman ay itinatag noong 1986 para mabawi ang mga tagong-yaman ng mga Marcos, pero nabigo umano ito dahil hindi ito na-aprubahan ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Read more...