81 pang Filipino sa abroad, gumaling sa COVID-19 – DFA

Nasa 81 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 3, umakyat na sa 5,653 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Nasa 9,597 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 71 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,251 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Samantala, nasa 693 ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,795 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 1,113 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 762 naman ang kaso sa Americas at 927 sa Asia Pacific Region.

Read more...