BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 106,000 na

Nadagdagan pa nang mahigit 3,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (August 3), umabot na sa 106,330 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 38,405 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,226 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakuha ang mga datos mula sa 66 out of 94 licensed laboratories.

Nasa 46 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 2,104 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 275 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 65,821 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...