Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, ang sunog ay nagsimula kaninang 1:30 ng madaling araw ngayong araw ng Linggo.
Mabilis itong umakyat sa ikatlong alarma pagdating ng 1:37 ng madaling araw.
Pagkalipas lamang ng halos kalahating oras o 2:02 am, agad na inilagay sa 5th alarm ang naturang sunog.
Bandang 2:55 am naman nang ibinaba na ng BFP sa under control ang sunog.
Ayon naman kay Joseph Guerero ng BFP Central Fire Control 7, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang mga bahay sa lugar.
Base naman sa mga saksi, bago umano sumiklab ng sunog, nagkaroon muna ng malakas na pagsabog.
Aabot sa limang bahay o isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan habang nasa dalawa naman ang naitalang nasugatan dahil sa sunog.
Sa pagtataya ng BFP, aabot sa dalawang milyong piso ang halaga ng tinupok ng apoy.
Sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy.