Palasyo, nanindigang tama ang mga hakbang vs COVID-19

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na tama ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay na rito ang pagbaba ng bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19.

Sinabi pa ni Roque na nasa tamang direksyon din ang pamahalaaan nang ibalik muli sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal mula August 4 hanggang 18.

“Alam niyo po, habang mababa po ang mga namamatay, tama po ang ginagawa natin. At tingin ko po, papunta tayo sa tamang direksyon na tayo ay nag MECQ,” pahayag ni Roque.

Nanindigan pa si Roque na hindi pumalpak ang pamahalaan sa pagbabalik sa MECQ.

“Hindi po. In fact, kung titignan ninyo ang datos, yung case doubling rate natin ay almost 9 days at hindi po yan nagqqualify for MECQ. Meron potayong pagsubok sa ating critical care capacity pero hindi pa naman po fully utilized yan dahil yung mga numero na nailabas natin earlier, nakabase po sa 20 percent bed COVID allocation para sa pribadong hospital at 30 percent para sa mga pampublikong hospital,” pahayag ni Roque.

Read more...