Tatlo pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nasa tatlo pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Baguio City Public Information Office (PIO), kabilang dito ang 50-anyos na lalaki mula sa New Lucban Interior.

Nagpositibo rin ang 83-anyos na lalaki sa Balacbac, Sto. Tomas Proper at 37-anyos na babae mula sa Lower Pinget.

Dahil dito, umabot na sa 118 ang confirmed COVID-19 cases sa Baguio City.

Read more...