Batangas uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa lalawigan ng Batangas.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:35 ng umaga ngayong Lunes (Aug. 3), katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa nasabing lalawigan.

Ganito na rin ang nararanasang lagay ng panahon sa Dasmarinas, Silang at Amadeo sa Cavite.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslide sa bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...