LRT-1 tigil-operasyon na rin simula bukas

Nag-abiso na rin Light Raul Manila Corporation (LRMC) ng tigil-operasyon ng LRT-1 simula bukas, August 4.

Ito ay kasunod ng pag-iral muli ng Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng LRMC, ang suspensyon ay hanggang sa August 18, o depende sa magiging susunod na abiso pa ng gobyerno.

Tiniyak naman ng LRMC na handa itong patuloy na magpatupad ng istriktong health at safety measures sa sandaling magbalik ang mass public transport services sa Metro Manila.

 

 

 

 

Read more...