Ipinakilala kagabi ng pangulo si Yang sa meeting ng ilang key cabinet officials para talakayin ang hirit ng health workers na higpitang muli ang quarantine protocols sa Metro Manila at iba pang lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
“Before we go further, I’d like to introduce to you the ex-fiscal of Nueva Ecija, Danny Yang. We come from the same school. Siya ‘yung matawag… And I need men not only in the matter of the safeguarding and health of the people from COVID. There are so many — well… There’s always a graft here, graft there, ah talagang may corruption dito, corruption doon,” ayon sa pangulo.
Utos ng pangulo kay Yang, siguraduhin na mapaparusahan at masisibak sa serbisyo ang mga opisyal ng pamahalaan na mangungurakot at mang aabuso sa pondo ng bayan habang kinakaharap ang pandemya.
Kinakailangan lamang aniya na makipag ugnayan ni Yang kay Interior Secretary Eduardo Año para sa pagsasampa ng kasong graft sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, kailangan niya ng mga taong marunong tapat.