Rizal Capitol Bldg. isasara ng isang linggo; 16 na empleyado nagpositibo sa COVID-19

Sarado sa loob ng isang linggo ang capitol building ng Rizal Provincial Government.

Sa pahayag sa Facebook Page simula ngayong araw, August 3 ang pagsasara para mabigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection at sanitation activities.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 16 na empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.

Patuloy ang ginagawang contact tracing at pag-isolate sa mga na-expose sa mga pasyente.

Magkakaroon ng Skeletal workforce ang lahat ng tanggapan ng Kapitolyo sa Ynares Center para sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo-publiko.

 

 

 

Read more...