Sa edad na 54, Mike Tyson haharapin si Roy Jones Jr., sa exhibition match

Maghaharap sa isang exhibition match ang 54 anyos na si Mike Tyson at 51 anyos na si Roy Jones Jr.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng dating heavyweight world champion na si Tyson ang teaser para sa laban nila ni Jones.

Magaganap ang 8-round exhibition match sa Sept. 12 sa California.

Mapapanood ito via Pay Per View.

Taong 2005 nang huling lumaban si Tyson kung saan tinalo siya ni Kevin McBride sa round 6 ng laban.

 

 

Read more...