Hakbang vs COVID-19 paiigtingin ayon sa DOH

Nangako ang Department of Health (DOH) na paiigtingin ang mga hakbang nito sa laban sa COVID-19.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DOH na sa loob ng dalawang linggo na muling sasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal tsansa ito upang mapaigting ang hakbang laban sa sakit.

Sinabi ng DOH na magpapatupad ng mas pinaigting na community-based active case finding.

Muli ring aaralin at bubuo muli ng stratehiya kasama ang medical at public health stakeholders.

At magkakaroon ng substitution team para sa mga pagod nang healthcare workers.

Sinabi ng DOH na kailangang pangalagaan ang healthcare workers na nangangalaga sa mga COVID-19 patient.

 

 

Read more...