Sa pinakahuling datos, 18,221,056 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 212,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,813,640 matapos makapagtala ng mahigit 49,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 24,000 bagong kaso habang mahigit 52,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Mexico ay nasa pang-anim na sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 matapos maungusan ang datos ng Peru
Habang ang Colombia ay nakapasok sa nasa top 10 matapos ma maungusan ang bilang ng COVID-19 cases sa Iran at UK.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,733,677
India – 1,804,702
Russia – 850,870
South Africa – 511,485
Mexico – 434,193
Peru – 428,850
Chile – 359,731
Spain – 335,602
Colombia – 317,651