Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 16,500 na

Sumampa na sa mahigit 16,500 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 92 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 16,586 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,075 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 854 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 83 dahilan para umabot na sa 9,657 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,075 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 1,856
– Talisay City – 778
– Minglanilla – 408
– Consolacion – 408
Mandaue City – 1,985
Lapu-Lapu City – 1,876
Negros Oriental – 109
Bohol – 90
Siquijor – 1

 

 

Read more...