Paalala ng DOTr: Pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan muling ipagbabawal simula bukas

Simula bukas na pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilan pang lalawigan, muling ipagbabawal ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Sa paalala na inilabas ng Department of Transportation, sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, wala muling bibiyaheng public transport simula bukas, Aug. 4.

Tanging ang mga public shuttle para sa frontline workers ang papayagang bumiyahe.

Ititigil muli ang pagbiyahe ng mga bus, jeep, taxi, TNVS, at tren.

Bawal din ang pagbiyahe ng mga tricycle, pero papayagan ang pagkakaroon ng exceptions sa ilalim ng guidelines na itinakda ng DILG at LGUs.

Para sa private transport, ang mga company shuttle ay papayagang bumiyahe para pero 50% ng capacity lamang dapat ang sakay.

Pwede ring bumiyahe ang mga pribadong sasakyan.

 

 

Read more...