Dagdag na benepisyo sa medical workers inaprubahan ni Pangulong Duterte

Bibigyan ng dagdag na benepisyo ng pamahalaan ang mga medical worker sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng risk allowance para sa private sector healthcare workers na gumagamot sa COVID-19 patients.

Aabot sa P10,000 hanggang P15,000 ang dagdag na ibibigay sa mga magkakasakit na healthcare worker.

May ilalaan ding life insurance, free accommodation, free transportation, free at frequent testing ang pamahalaan.

Inaprubahan din ng pangulo ang pagkuha ng dagdag na 10,000 pang medical professionals.

“The Chief Executive likewise approved the hiring of additional healthcare workers to augment the current workforce, including the hiring of 10,000 medical professionals and the calling to active duty and enlistment to the Armed Forces of the Philippines (AFP),” ayon kay Roque.

Sa kaniyang public address kagabi sinabi ng pangulo na batid ng pamahalaan ang pagod ng mga health worker sa bansa.

Bigyan lang aniya ng sapat na panahon ang gobyerno at bibigyan sila ng dagdag na allowance.

 

 

Read more...