Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 475 kilometers north northeast ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA, kikilos ang bagyo patungong East China Sea at lalabas ng bansa ngayong araw.
Walang direktang epekto sa bansa ang bagyo at ang Habagat ang magdudulot ng pag-ulan ngayong araw sa Batanes at Babuyan Islands.
Makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon at nalalabi pang bahagi ng Cagayan Valley.
Samantala, isang Low Pressure Area naman ang binabantayan din ng PAGASA na huling namataan sa layong 570 kilometers East Southeast ng Davao City.
Maghahatid ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga at Davao Region.