Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (August 2, 3:00 PM) nakapagtala ng 169 na bagong kaso kaya pumalo na sa 7,344 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,408
Laguna – 2,714
Batangas – 1,165
Rizal – 1,657
Quezon – 400
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 4,392.
Nasa 2,646 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 9 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 985
Batangas – 460
Rizal – 657
Quezon – 211
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 306 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 73
Batangas – 50
Rizal – 112
Quezon – 17
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay