Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 137 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-4:56 madaling araw ng Lunes (August 3).

May lalim na 48 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...