Skeletal workforce, ipatutupad sa Pasig City Hall simula August 3

Magpapatupad ng skeletal workforce sa Pasig City Hall simula sa araw ng Lunes, August 3.

Inanunsiyo ito ni Mayor Vico Sotto gamit ang kaniyang Twitter account.

Aniya, tatagal ang pagpapatupad na skeletal workforce nang dalawang linggo o hanggang August 16, 2020.

Mananatili naman ang full operation ng health-related offices, hospitals, peace and order offices, CSWD, at DRRMO.

Sinabi ng alkalde na maglalabas ng official memo ang kanilang Human Resources Department sa Lunes.

Read more...