4,000 tindera sa Cebu City, sasailalim sa COVID-19 test

Sasalang sa COVID-19 test ang may 4,000 tindera sa Cebu City.

Ayon kay Retired General Melquiades Feliciano, deputy chief implementer ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Visayas (IATF), pawang mga tindera sa public market ang sasalang sa COVID-19 test.

Aabot sa P4 milyon ang inilaang pondo para sa COVID-19 test sa mga tindera.

Layunin ng mass testing na mapabagal ang pagkalat ng virus.

Nabatid na karamihan sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Cebu ay nanggaling sa Carbon Public Market.

Read more...