Dalawa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Kamara

Inquirer file photo

Nakapagtala ng dalawa pang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang isang bagong kaso ng nakakahawang sakit ay mula sa Human Resources Management Service.

Nag-report pa sa trabaho ang pasyente noong July 22 at 23.

Agad nagsuri noong July 31 nang magkaroon ng ubo, sipon, lagnat at makaranas ng kawalan ng pang-amoy at panlasa.

Ang isa pang bagong kaso ay mula naman sa Engineering Department.

Lumabas na positibo sa COVID-19 makaraang sumalang sa rapid antibody test bilang bahagi ng SONA screening protocol.

Ani Montales, umabot na sa 31 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Read more...