Central Luzon police headquarters, nakasailalim sa lockdown

Credit: Google

Naka-lockdown ang Central Luzon police headquarters sa Camp Olivas Pampanga matapos mag positibo sa COVID-19 ang 18 pulis at isang sibilyan.

Ayon kay Brig. General Rhod Sermonja, ito ay para bigyang daan ang disinfection sa kampo.

Bawal muna ang pagpasok ng mga non-essential personnel.

Naka-lockdown din ang regional police office sa San Fernando City, La Union matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong aplikanteng pulis na galing ng Vigan city.

Ayon kay Police. Gen. Rodolfo Azurin Jr., Ilocos regional police director, pansamantalang hininto muna ang recruitment.

Read more...