1,300 motorcycle riders hinuli, pinagmulta dahil walang nakakabit na barrier kapag may kaangkas

Umabot na sa 1,300 na motorcycle rider ang nahuli at pinagmulta dahil sa walang nakakabit na barrier kapag may kaangkas.

Ayon kay Joint Task Force COVID shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, sa naturang bilang, 580 sa mga nahuli ay hindi asawa o live-in partner ang angkas.

Matatandaang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang angkas sa motorsiklo basta’t magpapakita ng katunayan na asawa o live-in partner ang sakay nito.

Ayon kay Eleazar, nahuli ang mga violators sa unang araw ng implementasyon ng backriding regulation.

Read more...