Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Linggo ng hapon (August 2), umabot na sa 103,185 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 35,569 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,032 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang pinakamataas na naitalang panibagong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa sa loob lamang ng isang araw.
Nakuha ang mga datos mula sa 70 out of 94 licensed laboratories.
Nasa 20 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,059 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 301 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 65,557 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.