Anim pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nasa anim pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Baguio City Public Information Office (PIO), lima sa nasabing bilang ay nagkaroon ng contact sa mga naunang kaso ng nakakahawang sakit.

Ang lima, kabilang ang 49-anyos na babae, 70-anyos na babae, 60-anyos na babae, 78-anyos na lalaki at 45-anyos na lalaki, ay nakatira sa Queen of Peace.

Mula naman sa Ferguson Road ang 37-anyos na babae.

Read more...