COVID-19 cases sa Navotas City, 2,305 na

Nadagdagan pa ng 161 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, batay ito sa datos mula sa City Health Office.

Sa huling datos hanggang 8:30, Sabado ng gabi (August 1), umakyat na sa kabuuang 2,305 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,259 ang aktibong kaso.

21 naman aniya ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 949 na ang total recoveries sa lungsod habang 97 ang pumanaw.

Read more...