Walang naranasang power interruption, nasirang transmission facility matapos ang M6.4 na lindol sa Cotabato City – NGCP

Siniguro ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na normal pa rin ang kanilang power transmission services.

Ito ay makaraang yumanig ang magnitude 6.4 na lindol sa Cotabato City, Maguindanao dakong 1:08 ng madaling-araw.

Ayon sa NGCP, walang napaulat na power interruption sa lugar at karatig-bayan.

Wala ring nasirang transmission facilities sa Cotabato City at iba pang lugar kung saan naramdaman ang pagyanig.

Sinabi pa nito na nananatiling intact ang Mindanao Grid.

“The Mindanao Grid remains intact as there are no reports of power interruption and damaged transmission facilities in Cotabato City and nearby areas where the earthquake was felt,” pahayag ng NGCP.

Read more...