Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, tumama ang sentro ng lindol sa layong 13 kilometers Southeast ng Cotabato City bandang 1:08 ng madaling-araw.
May lalim ang lindol na 543 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Alabel at Malungon, Sarangani
Intensity 1 – Tupi, General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba, Sarangani
Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala sa Cotabato City at mga karatig-bayan.
Ngunit, posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES