Sinabi ni PAGASA weather specialist Samuel Duran na huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes bandang 10:00 ng gabi.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Bahagyang bumilis ang bagyo habang tinatahak ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sinabi ni Duran na wala pa ring lugar sa bansa na nakataas sa tropical cyclone wind signal.
Nananatiling malayo sa kalupaan ng bansa ang bagyo.
Posible pa aniyang lumakas ang bagyo at maging severe tropical storm sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng umaga, Agosto 3.