Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 2,191

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (August 1), 2,191 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

846 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,236 ang suspected cases.

Nasa 863 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Samantala, 11 naman ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...