Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 6,880 na

Lagpas 6,800 na ang bilang ng mga nagpositibo sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 6,880 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (August 1).

Sa nasabing bilang, 6,805 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

6,779 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,722 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

3,755 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 302 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 4,799 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...