Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, may basehan ang apela at dapat aniya itong seryosong ikonsidera ng Malakanyang.
“Putting human lives above all considerations is a no-brainer, given the choice. Having said that, some adjustments can be made in the distribution of government subsidy to the most basic necessities of those who need it the most,” aniya.
Si Senate President Vicente Sotto III naman ay pabor sa nabanggit na apela.
Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara na kapag hindi na kinaya ng sistemang pang-kalusugan ng bansa ang dumaraming kaso, lubhang maaapektuhan ang istratehiya ng gobyerno.
Dapat aniyang makipag-usap ang Inter-Agency Task Force, Department of Health o DOH at Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga grupo ng health workers para pag-usapan ang mga isyu, tulad ng kakulangan sa PPEs, hindi na pagtanggap sa mga ospital ng COVID-19 patients gayundin ang tracing and quarantine systems.
“These are some of the urgent issues raised. Any return to ECQ must be used for an improved response. As they say one step backward, two steps forward,” aniya.
Ayon naman kay Sen. Richard Gordon, pagod na rin ang health workers kayat dapat pag-aralan ang kanilang apela.
Diin nito, marami kasi ang mga pasaway at marami rin ang kailangan na mag-trabaho.
Hirit pa nito, dapat ay isapubliko ng Inter-Agency Task Force at ni Health Sec. Francisco Duque III ang tunay na kalagayan ng bansa sa pakikipaglaban sa nakakamatay na sakit.
Nagpahiwatig pa ito na dapat ay magkaroon ng pagdinig sa Senado para alamin ang mga tunay na datos na may kinalaman sa kasalukuyang pandemiya.