Bandang 1:00, Sabado ng hapon nang mamatay si Cabe sa Asian Hospital and Medical Center sa Barangay Alabang.
Sa paunang impormasyon mula sa Office of the Chief PNP, upper gastro intestinal bleeding ang sanhi ng pagkamatay ni Cabe.
Diin pa sa impormasyon, walang kaugnayan sa COVID 19 ang sanhi ng pagkamatay ng opisyal.
Sa huling panayam ng Radyo Inquirer kay Cabe noong Hunyo, naibahagi nito na naaksidente siya sa pagmo-motorsiklo.
Nagpalabas na ang Muntinlupa LGU ng mensahe ng pakikiramay sa pagkamatay ng hepe ng pulisya ng lungsod.
“The local government of Muntinlupa mourns and prays for his grieving family durin this difficult time. We deep respect we say goodbye to an outstanding public servant. He may be gone but will never be forgotten,” ayon sa pahayag ng pamahalaang-lungsod.