Higit 300 pang COVID-19 cases, napaulat sa Singapore

Mahigit 300 muli ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 307 na kaso hanggang 12:00, Sabado ng tanghali (August 1).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are one case in the community, who is a Singaporean,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding limang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 52,512 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...