Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Metro Manila, Tarlac, Neuva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...