Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 680,000 na

Pumalo na sa mahigit 680,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 682,998 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 156,747.

Sumunod na rito ang Brazil na may 92,568 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 46,688 naman ang death toll sa Mexico habang 46,119 ang napaulat na nasawi sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– India – 36,551
– Italy – 35,141
– France – 30,265
– Spain – 28,445
– Peru – 19,021
– Iran – 16,766
– Russia – 13,963
– Colombia – 10,105
– Belgium – 9,841
– Chile – 9,457
– Germany – 9,224
– Canada –  8,935
– South Africa – 8,005

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 17,757,513 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 11,160,193 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...