Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 11:10 ng umaga, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Cavite, Zambales, Bataan at Batangas.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...