Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.
Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Huwebes, July 30), nadagdagan ng 50 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 1,139.
Sa nasabing bilang 877 ang active cases.
Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 5 kaya umabot na ito sa 142.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 2,158.
MOST READ
LATEST STORIES