Isang bagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Cagayan.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 875 kilometers East ng Tuguegarao City.
Maliban sa LPA, isang bagyo bahagi ng West Philippine Sea at nasa labas pa ng bansa ang binabantayan din ng PAGASA.
Ang tropical depression ay huling namataan sa layong 1,005 kilometers west ng Northern Luzon.
May taglay itong lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugso na 70 kilometers bawat oras.
Ang kilos ng bagyo ay 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA walang direktang epekto sa bansa ang bagyo.
Pero dahil sa LPA at bagyo, lalo pang lalakas ang Habagat na magpapaulan sa bansa.
Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ng monsoon rains ang Pangasinan, Zambales, Bataan, Palawan, Aurora, Isabela, at Mindoro Provinces hanggang bukas.
Ang Metro Manila, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas din ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Habagat.
Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral.