Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 768 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Biyernes, July 31) pumalo na sa 768 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 376 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nasa 38 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 354 na.

Read more...