Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 6,894


Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (July 31, 3:00 PM) nakapagtala ng 253 na bagong kaso kaya pumalo na sa 6,894 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,280
Laguna – 2,613
Batangas – 1,003
Rizal – 1,649
Quezon – 349

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 4,010.

Nasa 2,585 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 19 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 985
Batangas – 419
Rizal – 646
Quezon – 202

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nanatili sa 299 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 73
Batangas – 45
Rizal – 112
Quezon – 15

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

Read more...