Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 1,438 na

Mayroong 47 pang bagong kaso ng COVID-19 ang napaulat sa Muntinlupa City

Dahil dito, 1,438 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang alas 5:00 ng hapon ng Biyernes (July 31), sa nasabing bilang ay 703 ang aktibong kaso.

869 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 775 ang suspected cases.

Samantala, 662 na residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 73 naman ang nasawi.

 

Read more...